dzme1530.ph

36 PINOY SEAFARERS NA NAIPIT SA STRAIT OF HORMUZ, LIGTAS NANG NAKALABAS

Loading

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na ligtas na nakalabas sa Strait of Hormuz ang dalawang barkong lulan ang 36 Pinoy seafarers.
 
Ayon sa DMW, pansamantalang na-stuck sa Persian Gulf ang mga barkong Omicron Nikos at Nord sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Sa kabuuan, aabot sa 1,200 ang mga marinong Pinoy na nasa mga barkong nasa Strait of Hormuz.
 
Tiniyak naman ng DMW na patuloy ang pagmamanman nila sa galaw ng mga barko at nakikipag-ugnayan sa mga manning agency at shipowner upang matiyak na ligtas ang mga seafarers.

About The Author