dzme1530.ph

HALAGA NG PISO, BUMULUSOK SA PANIBAGONG RECORD LOW NA ₱64.17 PER DOLLAR

Loading

Lumagpas na sa ₱64 ang halaga ng piso kontra dolyar.
 
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱64.17 kada dolyar, mas mahina ng 22 sentimos kumpara sa ₱63.95 kada dolyar noong Martes.
 
Ito ang unang pagkakataon na sumampa sa ₱64-to-one-dollar level ang local currency matapos magbukas ang trading kahapon sa ₱63.95 kada dolyar.
 
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort, ang pagbagsak ng piso ay kasunod ng pagtaas ng global crude oil prices sa halos six-month high o simula noong April 30.
 
Sa gitna aniya ito ng ilang signals o marker concerns kamakailan kaugnay sa posibleng major US attack sa Iran pagkatapos ng Nov. 3 US midterm elections.

About The Author