dzme1530.ph

GUNMAN, PLANONG PATAYIN SI US PRESIDENT DONALD TRUMP AT MATATAAS NA OPISYAL SA GALA DINNER, AYON SA MGA IMBESTIGADOR

Loading

Lumitaw sa imbestigasyon na planong i-assassinate ng armadong lalaki na nagtangkang pumasok sa gala dinner si US President Donald Trump at iba pang matataas na opisyal ng Estados Unidos.

Ipinost ni Trump ang surveillance footage ng gunman na nagtangkang makalusot sa checkpoint.

Matapos makipagbarilan sa mga agents ay naaresto ang armadong lalaki at ikinulong.

Ibinahagi rin ni Trump ang mga larawan ng suspek na nakaposas habang nakadapa sa carpeted na sahig ng hotel.

Ayon kay Todd Blanche, hindi nakikipag-cooperate ang suspek at inaasahang pormal itong makakasuhan sa federal court sa Washington bukas ng umaga.

About The Author