dzme1530.ph

Grupo ng FEJODAP pro Modernization Program, bantay sarado ang kanilang mga driver

Bantay sarado ngayon ng mga grupo ng FEJODAP transport ang kahabaan ng Nicanor Reyes sa Morayta, Maynila ang mga kapwa driver na miembro ng grupo.

Ayon sa isang board member ng FEJODAP, kaya sila nag babantay sa kanilang mga driver ay para hindi maharang ng grupo ng PISTON ang mga ito.

Samantala, paliwanag naman ng grupo ng PISTON, kaugnay sa ibinabato sa kanila ng kabilang grupo ng FEJODAP na hindi sila nanghaharang ng mga kapwa nila miyembro, bangkus ay kanila lamang itong pinakikiusapan o hinihikayat na sumali sa kanilang kilos protesta.

Nasa mahigit 20 katao rin na kinabibilangan ng PISTON group, at Kabataan partylist, mga driver at operator ng jeep ang nagsasagawa ng transport strike.

About The Author