![]()
Pinuna ng Commission on Audit ang Office of the Vice President sa mga inconsistencies at mga hindi kumpletong dokumento kaugnay sa relief operations nito na umaabot sa 168 million pesos noong 2025.
Sa 273-page report sa 2025 Disaster Risk Reduction and Management Fund, natukoy ng COA ang ilang depekto sa implementasyon ng relief operations ng OVP.
Kabilang dito ang mga inconsistencies sa situational reports, open-ended mission orders at deficiencies sa beneficiary and distribution records.
Tinukoy din ng COA ang hindi kumpletong mga dokumento na susuporta sa relief operations.
Ayon sa COA, nasa 19.67 million pesos ang nakitaan nila ng discrepancies habang nasa 39.01 million pesos ang halaga ng welfare goods ang saklaw ng aprubadong mission orders subalit walang mga dokumento.
Nasa 84.12 million pesos naman na relief distributions ang walang nakalagay na target beneficiaries. |
