![]()
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Surigae at tinawag na Tropical Storm Queenie.
Sa advisory ng PAGASA, as of 11 a.m., huling namataan ang Tropical Storm Queenie 1,310 kilometers east ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 90 kilometer per hour.
Tumatahak ito pa kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 35 kilometer per hour.
Wala namang Tropical Cyclone Wind Signals sa anumang lugar sa bansa.
Kung hindi magbabago ng direksyon, tinaya ang bagyo bukas hanggang Sabado sa Davao Oriental, Davao Occidental at Sarangani.
