![]()
Aminado ang ama ni Lakambini “Lakam” Chiu na hirap ang kanilang pamilya na makalikom ng malaking halaga na kailangan upang pansamantalang makalaya ang anak, subalit may mga volunteers na tumutulong sa kanila.
Ang 45 years old na si Lakam ay kinasuhan ng kanyang kapatid na si Kim Chiu ng 124 counts ng qualified theft dahil sa umano’y financial discrepancies na nagkakahalaga ng kabuuang 44.4 million pesos sa kumpanya kung saan co-stakeholders ang magkapatid.
Unang itinakda ng Quezon City Court ang piyansa sa 5.8 million pesos subalit kalaunan ay binawasan ito ng 200,000 pesos kasunod ng motion na inihain ng abogado ng businesswoman.
Inamin ni William Chiu Jr. na wala pang kapasidad ang kanilang pamilya na maglagak ng piyansa na 5.6 million pesos, kahit na ibaba pa ang halaga sa 2.9 million pesos dahil sa option na cash bond.
Inaresto ang kapatid ng aktres noong Linggo at kasalukuyan itong naka-detain sa Kamuning Police Station sa Quezon City.
