DZME1530

Liza Soberano, nagsalita na tungkol sa tsismis na nagpa-abort siya

Itinanggi ni Liza Soberano ang matagal nang tsismis na nagpa-abort siya.

Sa vlog ni Bea Alonzo, matapang na kumasa si Liza sa lie detector challenge at direktang sinagot ang isyu.

Sinabi niya na inikusahan siyang nagpa-abort nang operahan siya sa states makaraang ma-injured sa daliri na natamo sa ginagawang teleserye noon.

Nagsimula ang mga espekulasyon nang matagal na hindi nakapag-post ang aktres sa kanyang social media accounts.

Katwiran ni Liza, paano siya makakapag-post kung naka-semento ang kanyang kamay at palaging may sakit dahil sa iniinom na antibiotics.

Idinagdag ng aktres na medyo tumaba rin siya bago magtungo sa states para sa surgery.

Inamin ni Liza na frustrated siya dahil hindi niya maipagtanggol ang sarili at kinailangan pa niyang maglabas ng litrato na nagpa-opera siya subalit hindi pa rin siya pinaniwalaan ng mga tao.

Inihayag din ni Liza na hindi niya itatago ang kalagayan sakaling buntis siya nang mga panahon iyon at hinding hindi siya magpapa-abort.

About The Author