![]()
Ang iron deficiency o kakulangan sa iron ay isang kondisyon kung saan hindi sapat ang naiimbak o nakukuhang iron ng katawan upang matugunan ang pangangailangan nito.
Mahalaga ang iron sa paggawa ng hemoglobin, isang protina sa red blood cells na nagdadala ng oxygen mula sa baga patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kapag kulang ang iron, maaaring hindi makagawa ng sapat na healthy red blood cells ang katawan na posibleng humantong sa iron deficiency anemia.
Ilan sa mga karaniwang sintomas nito ang madalas na pagkapagod, panghihina, pagkahilo, pananakit ng ulo, pamumutla, panlalamig ng mga kamay at paa, at hirap sa pagtuon ng atensyon.
Sa ilang kaso, maaari ring makaranas ng pagkalagas ng buhok, pagiging marupok ng mga kuko at hindi pangkaraniwang pagnanais na kumain.
Upang maiwasan ito, pinapayuhan ang publiko na kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron gaya ng karne, isda, manok, beans, lentils, madadahong gulay at iron-fortified cereals. Gayundin ang mga pagkaing mayaman sa vitamin C.
