dzme1530.ph

GCash, lilimitahan ang daily transactions para maiwasan ang vote buying

Loading

Nagpatupad ang GCash ng temporary daily transaction limit sa “Express Send” at “Send via QR” upang maiwasan ang vote-buying sa 2025 midterm elections.

Sa advisory, inihayag ng GCash na epektibo ang kanilang daily transaction limit hanggang sa May 12, 2025, sa mismong araw ng Halalan.

Sinabi ng mobile payments service na ang kanilang hakbang ay para sa patas at ligtas na Halalan, at upang matiyak na ang tunay na boses ng mamamayan ang magiging resulta ng Eleksyon.

Ayon sa GCash, sa sandaling maabot ng user ang daily limit, sa susunod na araw na ito muling maaring gumawa ng transaksyon.

About The Author