![]()
Pormal na nilagdaan ng Pilipinas at Chile ang kanilang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) sa sidelines ng 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chilean President Jose Antonio Kast ang paglagda sa kanilang bilateral meeting na ginanap sa Shenzhen International Exchange Center.
Sinabi ni Marcos na ang signing ng free trade deal ay isang bagay na inaasam-asam ng Pilipinas.
Layunin ng CEPA, na unang free trade agreement ng Pilipinas sa isang Latin American nation, na isulong ang palitan ng mga produkto, serbisyo, at pamumuhunan sa pagitan ng Manila at Santiago.
