dzme1530.ph

2 ARESTADO SA “PAIHI” NG PETROLYO SA LALAWIGAN NG MARINDUQUE

Loading

Arestado ang dalawang lalaking suspek matapos umanong mahuling naghahatid ng ilegal na petroleum products o “paihi” ng petrolyo gamit ang isang tanker truck sa isinagawang operasyon ng CIDG Provincial Field Unit katuwang ang Marinduque Provincial Intelligence Unit sa Barangay Bachao Ibaba, Gasan, Marinduque noong araw ng Martes, September 8, 2026.
 
Ayon sa report ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kinumpiska ng mga awtoridad ang ginamit na tanker truck na may kargang tinatayang 19,900 litro ng premium diesel at unleaded gasoline, na nagkakahalaga ng ₱3.538 milyon, na walang kaukulang pahintulot ng Department of Energy (DOE) na ipinagbabawal sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 33, na inamyendahan ng Presidential Decree 1865, ang pagbebenta o pamamahagi ng petroleum products nang walang kinakailangang lisensya o awtorisasyon.
 
Patuloy naman ang operasyon ng CIDG laban sa ilegal trading, hoarding at profiteering ng mga petroleum products at hinimok ang publiko na agad ireport ang mga nalalaman na ilegal na pagbebenta at PSA nanakaw ng produktong petrolyo.

About The Author