dzme1530.ph

KUSTODIYA KAY DATING SPEAKER ROMUALDEZ, INILIPAT NG SANDIGANBAYAN SA BJMP SA KABILA NG HOSPITAL CONFINEMENT

Loading

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang paglipat ng kustodiya kay dating Speaker at Leyte First District Rep. Martin Romualdez sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa Philippine National Police (PNP).

Ginawa ni Sandiganbayan Third Division Chairperson Karl Miranda ang anunsyo matapos maglabas ang anti-graft court ng commitment order para kay Romualdez na ikulong ito sa New Quezon City Jail sa Payatas, isang pasilidad na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng BJMP.

Kanina ay nagkaroon ng hearing kaugnay sa motion ng kongresista na manatili sa ilalim ng hospital detention sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City bunsod ng iba’t ibang sakit.

Inihayag naman ni Police Colonel John Guiagui, hepe ng PNP-Criminal Investigation Group, na tatalima sila sa kautusan ng korte.

Sinabi ni Guiagui na ipinauubaya nila sa BJMP ang pagtukoy sa bilang ng personnel na magbabantay kay Romualdez.

About The Author