dzme1530.ph

Fil-Am Hollywood actress Vanessa Hudgens, ginawaran ng Global Tourism Ambassador Award ni PBBM

Ginawaran ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Global Tourism Ambassador Award ang Filipino-American Hollywood actress na si Vanessa Hudgens.

Ito ay sa courtesy call ni Hudgens sa Malacañang, at dumalo rin sa seremonya sina Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano, at Dept. of Tourism sec. Christina Frasco.

Present din ang nanay ng Hollywood star na si Gina Hudgens na tubong Ozamiz City.

Ipinagmalaki naman ni Marcos kay Hudgens ang malalim na kasaysayan ng Malacañang.

Si Hudgens ay napili ng DOT na maging Global Tourism Ambassador ng Pilipinas, at inaasahang kanyang itataguyod ang katangi-tanging kultura ng bansa at ang Philippine brand bilang tourist destination.

About The Author