dzme1530.ph

Feb. 13, idineklarang special non-working day sa Parañaque City para sa Cityhood Anniversary

Loading

Idineklarang special non-working day ng Malakanyang ang Feb. 13, araw ng Huwebes, sa Parañaque City, para sa ika-27 Anibersaryo ng lungsod.

Sa Proclamation no. 792, nakasaad na nararapat na mabigyan ng buong oportunidad ang mga taga-Parañaque na makiisa sa okasyon.

Samantala, deklarado rin ang special non-working day sa Taytay Rizal sa Feb. 17 para sa araw ng Pasasalamat o Hamaka Festival.

Sa Lunes, Feb. 3, ay special non-working day din sa Biñan City Laguna para sa kanilang 80th Liberation Day at sa Cabanatuan City Nueva Ecija para sa 75th Founding Anniversary, Feb. 10 sa Laoag City Ilocos Norte para sa selebrasyon ng Pamulinawen Festival, Feb. 26 sa Zamboanga City para sa 88th Charter Anniversary, at Feb. 27 sa General Santos City para sa 86th Founding Anniversary at 36th Kalilangan Festival.

Sa Sabado naman Feb. 1, inanunsyo ang special non-working day sa Camarines Norte para sa Jose Maria Panganiban Day, at Feb. 24 sa Zamboanga Sibugay para sa 24th Founding Anniversary. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author