dzme1530.ph

Panukalang pagpapaliban ng BARMM elections, magbibigay-daan sa pag-plantsa sa governance structure ng rehiyon

Loading

Ipinaliwanag ng Malakanyang ang pag-sertipikang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panukalang batas na magpapaliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa Mayo.

Ayon sa Presidential Communications Office, lumiham ang Pangulo kay Senate President Francis Escudero para sa pag-certify bilang urgent sa Senate Bill no. 2942.

Sinabi ng Pangulo na ang hakbang ay tutugon sa mahigpit na pangangailangan ng Bangsamoro Transitional Gov’t, upang ma-plantsa ang istraktura ng pamamahala sa rehiyon.

Ito ay sa harap umano ng legal developments na nakapalibot sa isyu.

Bukod dito, ito rin umano ang magtitiyak sa pagkakamit ng mithiin ng BARMM sa pagkakaisa, pagiging inklusibo, at totoong awtonomiya.

Samantala, bukod sa Senado ay pinadalhan din ng kopya ng liham si House Speaker Martin Romualdez. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author