dzme1530.ph

Fake booking scams, lumobo sa ikalawang linggo ng Marso

Tumaas ang fake booking scams sa ikalawang linggo ng Marso, ayon sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni ACG Director Major General Sidney Hernia na mula sa average na isa hanggang anim na kaso noong Enero at Pebrero, umakyat sa 10 kaso ang scams sa loob ng isang linggo.

Idinagdag ni Hernia na karamihan sa mga biktima ay food delivery riders.

Inihayag ng opisyal na ang mga salarin ay nagbu-book ng order sa pamamagitan ng cash-on-delivery, at sa sandaling dumating na ang rider sa delivery address ay bigla na lamang hindi na makokontak ang mga suspek.

About The Author