dzme1530.ph

ERC, KINALAMPAG PARA I-AUDIT ANG GENERATION CHARGES SA KURYENTE

Loading

Kinalampag ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission at iginiit na i-audit ang generation charges sa kuryente, partikular ang ikinakarga ritong presyo ng petrolyo.
 
Ayon kay Gatchalian, ang generation charges na nasa 60 percent at pinakamalaking bahagi ng bayarin sa kuryente ay tumutukoy sa paglikha ng kuryente mula sa mga planta.
 
Kung gusto aniyang pababain ang bill sa kuryente, ang generation charge ang dapat tutukan at tiyaking tama at makatwiran.
 
Sinabi ni Gatchalian na lumilitaw na walang audit sa generation charges at sa mga ipinapasok ditong gastusin gaya ng pagbili ng petrolyo — na lahat ay pinababayaran sa consumers.
 
Kaugnay nito, inihain ni Gatchalian ang resolusyon na naglalayong imbestigahan ng Senado ang kawalan ng regular na cost audit sa generation charges sa kuryente.
 
Isinasabay na ito sa pagsusulong ngayon na tanggalin na sa bayarin sa kuryente at ipaako sa distribution utilities ang system loss o nawawalang halaga ng kuryente habang dumadaloy sa mga kable at dahil sa pagnanakaw.

About The Author