dzme1530.ph

ILANG KABAONG LABAN SA CHINESE COMMUNITY PARTY, NATAGPUAN SA IBA’T IBANG BAHAGI NG METRO MANILA

Loading

Ilang kabaong ang natagpuan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, kaninang madaling-araw.
 
Magkakahiwalay na iniulat ang pagkakatagpo sa mga kabaong sa Boy Scout Circle sa Quezon City; Barangay Bel-Air sa Makati at 7th Avenue sa Caloocan City.
 
Sa impormasyon, puting van na walang plaka ang nagbaba ng mga kabaong bago umalis.
 
Nilinaw naman na walang bangkay sa mga kabaong at ang nakita ay mga larawan lamang ng ilang personalidad, kabilang ang isa umanong Chinese minister.
 
Mayroon ding pulang bandila sa kabaong na may nakasulat na “Chinese Communist Party! Greedy! Salot!”
 
Patuloy pa namang kinukumpirma na isa pang kabaong ang nakita sa Plaza Sta. Cruz sa Maynila.

About The Author