dzme1530.ph

Eduardo Punay, itinalaga bilang Officer-in-Charge ng DSWD

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang dating Journalist na si Eduardo Punay bilang Officer-in-Charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pagtatalaga kay Undersecretary Punay bilang OIC ng DSWD ay kasunod ng pagpapaliban ng Commission on Appointments (CA) sa Ad interim appointment ni Erwin Tulfo bilang secretary ng ahensya bago magrecess ang kongreso nitong Disyembre.

Sa confirmation hearing ni Tulfo, kabilang sa naungkat na isyu ay ang kanyang Us Citizenship at conviction sa kasong Libel.

Sinabi naman ni Office of the Press Secretary OIC Cheloy Garafil na magkakaroon ng hiwalay na announcement ang Palasyo tungkol sa manunungkulang kalihim ng DSWD.

About The Author