dzme1530.ph

DOH, naitala ang 289 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng 289 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pinakamababa mula noong Hunyo 15.

Bunsod nito, bumaba sa 14,695 ang Active Cases kahapon mula sa 15,472 noong Lunes.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH, lumobo na sa 4,062,511 ang Nationwide Caseload.

Samantala, umakyat sa 3,982,533 ang Total Recoveries makaraang 1,076 pang mga pasyente ang gumaling.

Dalawampu’t isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya pumalo na sa 65,283 ang Death Toll.

About The Author