![]()
Pinayagan ng Pasay City Court na makapaglagak ng piyansa ang broadcast journalist na si Jay Sonza.
Ayon kay Atty. Mark Tolentino, legal counsel ni Sonza, mali ang naging pag-classify ng korte sa kaso ng kanyang kliyente bilang non-bailable.
Maghahain anya sila ng piyansa na nagkakahalaga ng sampung libong piso ngayong araw ng Lunes.
Inaresto si Sonza sa bisa ng warrant of arrest dahil sa pagpapakalat umano niya ng maling impormasyon hinggil sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
