dzme1530.ph

Dokumentong nagpapakita ng posibleng pagkakakilanlan ng ina ni Mayor Guo, inilabas na

Inilabas ni Sen. Risa Hontiveros ang ilang mga dokumento na nagpapakita ng posibleng pagkakakilanlan ng ina ni Mayor Alice Guo.

Tinukoy ni Hontiveros ang isang Lin Wen Yi na incorporator sa ilang mga negosyo sa Bamban, Tarlac.

Ito ay bilang suporta sa naging panayam kay Sen. Sherwin Gatchalian na nagsabing ipinakilala pa ng alkalde si Lin Wen Yi bilang kanyang ina habang sila ay naninirahan sa Valenzuela City.

Binigyang-diin ni Hontiveros na krusyal ang pagkakakilanlan ng ina ng alkalde dahil ito ang magpapatunay ng citizenship nito.

Iginiit ng senadora na kung nagawang magsinungaling ng opisyal tungkol sa mga kapatid niya, hindi malayong tinatago niya rin ang totoong pagkatao ng nanay niya.

May isa pa anya silang source na nagsasabi na ‘Winnie’ ang tawag sa nanay ni Mayor Guo na posible anyang Filipinized version ng Lin Wen Yi.

About The Author