dzme1530.ph

DOH, umapela sa publiko na iwasan ang makasakit at mag-joke ng tungkol sa karamdaman ngayong April Fools’ Day

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang pagbibiro o   prank na may kaugnayan sa mga sakit, pagkamatay, at physical at mental conditions, ngayong April Fools’ Day.

Sa serye ng mga tweet sa X, hinimok ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na maging considerate at wholesome sa pagbibitaw ng mga jokes, ngayong araw.

Dagdag paalala ng kalihim, maging mabuti sa bawat isa, kasabay ng pagbati ng “Happy April Fool’s Day!”

About The Author