dzme1530.ph

DOH, 481 mga bagong kaso ng COVID-19 naitala

481 bagong kaso ng covid-19 ang naitala ng Department Of Health (DOH), dahilan para lumobo na sa 4,068,802 ang nationwide caseload.

Ito ang ikaapat na sunod na araw na mas mababa sa 500 ang mga naitalang bagong kaso ng sakit.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH, tumaas sa 11,975 ang Active infections kahapon mula sa 11,856 noong Martes.

Samantala, umakyat na sa 3,991,318 ang Total recoveries makaraang 247 pang mga pasyente ang gumaling.

Nadagdagan naman ng 11 katao ang mga nasawi kaya sumampa na sa 65,509 ang Death toll.

About The Author