dzme1530.ph

Doc Willie Ong, tatakbong senador sa halalan sa susunod na taon

Muling susubukan ng Cardiologist na si Doc Willie Ong ang kanyang kapalaran sa politika, sa plano niyang pagtakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon, sa gitna ng kanyang pakikipaglaban ngayon sa Cancer.

Sa Facebook live, inanunsyo ni Doc Willie na maghahain siya ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador sa Miyerkules, sa pamamagitan ng kanyang maybahay na si Dr. Anna Liza Ramoso.

Inihayag ng Health advocate na tatakbo siya bilang independiente at mangangampanya sa social media para sa 2025 senatorial election.

Ipinangako ni Doc Willie na gagawin niya ito sa pinakamalinis na paraan at mag-isa niya itong gagawin para wala siyang tatanawing utang sa iba.

Noong 2022 ay kumandidato si Doc Willie bilang running mate ni Presidential Candidate Isko Moreno sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, at tumakbo rin sa pagka-senador noong 2019 subalit hindi pinalad na manalo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author