dzme1530.ph

DMW, wala pang nakikitang ‘mass deportation’ ng mga Pinoy sa Amerika

Loading

Wala pang nararamdamang “mass deportation” ng mga Pilipino sa Amerika ang Department of Migrant Workers.

 

Binigyang diin ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na maganda ang relasyon ng Pilipinas sa US.

 

Nakikipag-ugnayan din aniya si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa US counterparts nito.

 

Una nang nagbabala si US President Donald Trump na ipade-deport ang aniya’y milyon-milyong criminal aliens mula sa kanyang bansa.

 

Ayon kay Cacdac, inatasan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DMW na maghanda para sa posibilidad ng mass deportation sa mga pinoy.

About The Author