dzme1530.ph

DITO Telecommunity, may bagong CEO

Bumaba ang Davao-based Tycoon na si Dennis Uy bilang Chief Executive Officer ng bagong major telco player na DITO Telecommunity Corp., upang bigyang daan ang appointment ng isang seasoned telco executive.

Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange, inanunsyo ng parent company na DITO CME Holdings Corp. ang paglipat kay DITO CME President Ernesto Alberto bilang bagong CEO ng DITO Tel.

Papalitan ni Alberto si Uy na mananatili namang Chairman ng kumpanya habang ang Chief Operating Officer na si Donald Patrick ang itinalaga bilang President in an Acting Capacity. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author