![]()
Inaasahan ng Commission on Elections na hindi magkakaroon ng failure of elections sa kauna-unahang parliamentary polls sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kampante sila na hindi magkakaroon ng destruction bagama’t may ilang lugar ang kompromiso.
Kahit aniya may mapaulat na karahasan ay hindi naman ito aabot sa hindi makakaboto ang mga residente sa lugar.
Umarangkada na kaninang umaga ang parliamentary polls para sa limang libong presinto sa buong rehiyon.
