![]()
Sinuspinde ng Department of Agriculture (D-A) ang pag-e-export ng fresh ube o purple yam para itaas ang domestic production nito, sa gitna ng pagsikat nito sa abroad.
Inihayag ng ahensya na saklaw ng suspensyon ng Bureau of Plant Industry (BPI) na inisyu noong nakaraang buwan, ang fresh ube at propagative materials, kahit pa ang shipments ay para sa consumption, planting, o research.
Sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na layunin ng hakbang na pangalagaan ang planting material sa Pilipinas habang tumataas ang production capacity ng industriya.
Sa ngayon ay mabilis na lumalago ang popularidad ng ube kaysa sa abilidad ng Pilipinas na makapag-produce nito.
At para maabot ang lumalaking demand, sinusuportahan ng D-A ang mga pagsasaliksik kung paano ito mabilis na lumaganap at makapag-develop ng iba pang varieties.
