dzme1530.ph

PRE-SHADED BALLOTS, NADISKUBRE SA MGA PRESINTO SA MALUSO, BASILAN

Loading

Kinumpirma ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na nadiskubre nilang pre-shaded ang mga balota sa tatlumpu’t anim sa animnapu’t walong presinto sa Maluso, Basilan.
 
Dahil dito, isinailalim ng Comelec sa kanilang kontrol ang Basilan.
 
Ipinaliwanag ni Garcia nitong Linggo ng gabi, ay natukoy na nila na kompromiso na ang mga balota sa mga naturang presinto.
 
Ipinag-utos na rin ng Comelec ang reprinting ng mga balota dahil hindi na magagamit ang mga naunang inilabas.
 
Aminado naman si Garcia na made-delay ang pagboto sa naturang mga presinto dahil kailangan pang ibiyahe ang mga balota mula sa Maynila patungong Zamboanga bago dalhin sa Basilan.

About The Author