dzme1530.ph

VAT SA ELECTRICITY SYSTEM LOSS CHARGES, INALIS NA NG B

Loading

Opisyal na inalis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang value-added tax sa allowable system loss charge sa electricity bills ng mga customer na mababa ang konsumo.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Finance Secretary Frederick Go na magbigay ng practical economic relief.

Upang matiyak ang pagtalima, inobliga ang generation companies, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), distribution utilities, at electric cooperatives na hiwalay na i-itemize ang allowable system loss charge sa billing statement.

Sa sandaling maging epektibo, hindi na ipatutupad ang VAT sa naturang portion.

Idinagdag ni Mendoza na bababa rin ang singil sa kuryente dahil sa naturang hakbang.

About The Author