dzme1530.ph

FORMER SPEAKER ROMUALDEZ, PINALILIPAT NA NG SANDIGANBAYAN SA QUEZON CITY JAIL

Loading

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang paglipat kay Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez sa Quezon City Jail Male Dormitory.
 
Ito’y matapos sabihin ng mga doktor na hindi na kailangang manatili sa ospital ang mambabatas.
 
Sinabi ni Romualdez na haharapin niya ang mga isinampang kaso laban sa kanya at sasagutin niya ito sa tamang hukuman.
 
Nanindigan din ang former speaker na inosente siya sa mga paratang laban sa kanya kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
 
Kanina ay inihayag ni Dr. Gerardo “Gap” Legaspi, Director ng Philippine General Hospital (PGH), na itinuturing na clinically stable ang kongresista at maaari nang i-discharge.
 
Sinabi ni Legaspi na bagaman mayroon mga kondisyon si Romualdez na kailangang i-monitor at gamutin, hindi kailangan ng confinement, basta’t tiyak ang medical care.
 
Idinagdag ng PGH Director na mayroon 30% na tsansa na makaranas ng heart attack ang mambabatas sa susunod na 30 years o 3% kada taon, at hindi aniya ito masyadong mataas.
 
Samantala, 3% to 5% naman ang tsansa na ma-stroke si Romualdez.
 
Ipinaliwanag ni Legaspi na wala itong kaugnayan sa malaking ugat sa utak, subalit isang small vessel disease na karaniwan sa mayroong diabetes.
 
Inilipat ang dating speaker sa PGH sa Maynila noong Sabado ng umaga mula sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City matapos ipag-utos ng Sandiganbayan Third Division na isailalim ito sa independent medical examination.

About The Author