dzme1530.ph

Dismissed Mayor Alice Guo, nasa Jakarta, ayon sa BI

Nasa Jakarta, Indonesia pa hanggang ngayon si dismissed Mayor Alice Guo.

Ito ayon kay Bureau of Immigration Chief Norman Tansingco ay batay sa pinakahuling report na kanilang natanggap.

Sinabi ni Tansingco sa pagdinig ng Senado na nagpadala na sila ng sulat sa Director General ng Indonesian Immigration at hiniling ang deportation kay Alice sa Piliipnas.

Inamin ng opisyal na masakit man nilang aminin ay malinaw na nalusutan sila ng grupo nina Guo na nakalabas ng bansa subalit tinitiyak nilang ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maibalik ito sa Pilipinas.

Lumitaw din sa impormasyon na si Wesley Guo ay umalis sa Batam noong August 20 sakay ng ferry saka sumakay ng eroplanong patungong Hong Kong.

Kaya naman nakipag-ugnayan na rin sila sa Hong Kong Immigration para sa datos ni Wesley.

Iginiit ni Tansingco na marami silang natatanggap na impormasyon subalit marami sa mga ito ay hindi totoo.

Tulad anya ng Philippine Coast Guard, Maritime Police at Aviation Security problema nila sa kanilang operasyon ay ang laki ng ating coastlines na hindi naman kayang bantayan palagi. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author