dzme1530.ph

DEPED, UMAPELA SA MGA KONGRESISTA NG PONDO PARA SA KOMPENSASYON SA MGA ARAL TUTORS

Loading

Umapela ang Department of Education ng suporta sa Kongreso upang amyendahan ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Law upang mabigyan ng hiwalay na kompensasyon ang mga ARAL tutors.
 
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kailangan nila ng malinaw na legal authority at pondo para sa pagbibigay ng dagdag na kabayaran.
 
Binigyang-diin ni Angara na dagdag trabaho sa mga guro ang learning recovery program.
 
Tiniyak naman ng kalihim na suportado nila ang programa para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
 
Ipinaliwanag ni Angara na walang nakapaloob sa 2026 National Budget para sa hiwalay na appropriation sa dagdag kompensasyon sa mga ARAL tutors.

About The Author