![]()
Nagpasya si TUCP Party-list at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza na i-adopt ang cross-party commitment ng mga senador para depensahan ang P85 daily wage increase sa Metro Manila.
Ngayong hapon, ipa-file ni Mendoza ang adopted resolution bilang counterpart House resolution para sa unified bicameral effort tungo sa mataas na sweldo ng workers.
Bahagi sa resolusyon ang paghimok sa DOLE, DTI, at Dep’t of Economy, Planning, and Dev’t (DepDev) upang ilaban ang validity at pagpapatupad ng NCR Wage Order No. 27 na naggagarantiya ng P85 daily wage increase.
Kasabay nito, pinatitiyak din sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ang patuloy na pag-discharge sa kanilang statutory mandate na i-review at itaas ang sweldo ng mga manggagawa sa buong bansa.
Ito’y kahit pa nakapending ang judicial challenges ng Readcon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc. sa Pasig City RTC at ng Alliance of Phil. Fishing Federation Inc. na inihain naman sa Navotas Regional Trial Court.
Ang mga petisyon na ito ay naglalagay umano sa peligro hindi lang sa NCR workers kundi maging sa integridad ng buong regional wage-fixing system sa buong bansa.
