![]()
HUMINGI ng paumanhin si Defense Panel Spokesman Atty. Michael Poa sa pamilya Binay makaraang madamay sa isyu ng confidential fund sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay nang sumentro ang paunang tanong ni Poa sa kanyang cross-examination kay State Auditor Roderick Wamil sa nauna nitong sinabi na tanging si VP Sara ang bise presidente na tumanggap ng confidential fund.
Sinabi ni Poa na ayaw na sana niyang tukuyin pa kung sino ang bise presidente na tinutumbok ng ipinakita niyang dokumento mula sa Department of Budget and Management.
Ipinaliwanag ni Poa na ginamit lamang niya ang dokumento para maintindihan ng taumbayan kung bakit may confidential fund.
