![]()
Dumating na sa bansa ang 178.33 million liters ng diesel na nakapagpataas sa buffer stock ng krudo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), nakumpleto na ang apat na diesel shipment na binili ng gobyerno sa ilalim ng Emergency Energy Security Program.
Sa ilalim ng Executive Order No. 110 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inatasan ang Philippine National Oil Company-Exploration Corporation na agad kumilos para maitataas ang buffer supply ng fuel products sa bansa.
Sinabi ng DOE na ang apat na shipments ng diesel na galing Japan ang dumating sa Batangas, Subic, at Davao.
Tiniyak naman ni Energy Secretary Sharon Garin na patuloy ang kanilang koordinasyon sa stakeholders upang mabantayan ang inventory levels.
