dzme1530.ph

Death toll sa mga nagdaang bagyo at pinaigting na habagat, sumampa na sa 26

Umakyat na sa 26 ang death toll mula sa pinasama-samang epekto ng mga nagdaang bagyo at pinaigting na habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pinakahuling situational report ng ahensya, apat pa lamang ang kumpirmadong nasawi habang 22 ang bini-beripika pa.

Labing walo naman ang naiulat na nasugatan habang tatlo pa ang nawawala bunsod ng pananalasa ng habagat at mga bagyong Ferdie, Gener, Helen, at Igme.

Umabot naman sa 1.47 million individuals o mahigit 393,000 families na naninirahan sa 2,071 barangays sa iba’t ibang panig ng bansa ang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author