dzme1530.ph

VICE PRESIDENT SARA DUTERTE, PERSONAL NA NAKIDALAMHATI SA MGA BIKTIMA NG TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

Loading

Personal na nakidalamhati si Vice President Sara Duterte sa pamilya ng mga biktima ng shooting incident sa eskwelahan sa Tacloban City.
 
Alas-5 ng madaling-araw kanina nang dumating ang Bise Presidente at nakisalamuha sa mga pamilya.
 
Tiniyak din ni VP Duterte sa mga pamilya na magsasagawa rin ng mga hakbangin upang matiyak na maibibigay ang hustisya sa mga biktima.
 
Una nang kinalampag ni VP Sara ang gobyerno na bumalangkas ng mga hakbangin upang matiyak ang seguridad sa mga paaralan at kaligtasan ng mga estudyante.

About The Author