dzme1530.ph

Danger level ng heat index, mararamdaman sa ilang bahagi ng bansa

Maaaring umabot sa ‘dangerous level’ ang heat index sa 28 lugar sa bansa ngayong araw batay sa pagtaya ng PAGASA.

Ayon sa State Weather Bureau posibleng maitala ang highest peak heat index sa Aparri, Cagayan at Abucay Bataan na aabot sa 48 °C.

46°C sa Dagupan City, Pangasinan, Tuguegarao City, Cagayan at Casiguran, Aurora.

Habang tinatayang aabot sa 45°C ang heat index sa NAIA, Pasay City; ISU Echague, Isabela; Baler, Aurora at Daet, Camarines Norte.

Kahapon, naiulat ang 48°C o pinaka-mataas na damang init sa Aparri, Cagayan.

About The Author