![]()
Dalawang Overseas Filipino Workers ang namatay makaraang i-hostage ng kanilang employer sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa Department of Migrant Workers, ang mga biktima ay kapwa household service workers na nabaril ng kanilang employer sa hostage incident noong April 15.
Inaresto na ng mga awtoridad ang employer na ngayon ay nasa police custody na habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban dito.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Embassy sa Lebanon at sa mga lokal na awtoridad para sa masusing imbestigasyon at kaukulang legal na hakbangin.
Sinabi pa ng kalihim na makikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng mga OFW para sa kaukulang suporta.
Kabilang dito ang pagsasaayos ng repatriation sa mga biktima at benepisyo para sa kanilang pamilya.
