dzme1530.ph

73 PERCENT NG 2022 AT 2023 CONFIDENTIAL FUND NI VP SARA DUTERTE, ITINUTURING NA MAANOMALYA

Loading

73 percent ng total P612.5-M 2022 at 2023 confidential funds ng OVP at DepEd sa ilalim ni VP Sara Duterte ay maanomalya.

Yan ang lumilitaw sa Notice of Disallowances ng COA sa P73-M at P375-M o kabuuang P448-M na nakitaan ng maling paggamit.

Para sa Makabayan bloc, hindi normal ang natuklasan ng COA dahil may pattern ng pag-abuso at grave breach sa public trust.

Ayon sa grupo, hindi ito pwedeng basta na lamang balewalain at ituring bilang technical audit matter, dahil ang disallowances ay paulit-ulit na hindi maipaliwanag ang paggamit.

Kulang sa supporting documents, at idinadaan ang paggasta sa mga hindi otorisadong tao na paglabag sa core of accountability sa public finances.

Sigaw ng militant group, ibalik ang pera dahil pondo ito ng bayan na dapat ginamit sa ayuda, serbisyo, at pantugon sa palagiang krisis, hindi sa ‘confidential’ na gastos na walang maipakitang malinaw na batayan at sapat na dokumento.

About The Author