![]()
Pagbibidahan nina Bea Binene at Wilbert Ross o tinawag ng fans na “Wilbea” ang Philippine adaptation ng Thai film na “Pee Mak” na original na ginampanan nina Mario Maurer at Davika Hoorne.
Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa isang pelikula sina Wilbert at Bea matapos mag-click ang kanilang loveteam sa “Golden Scenery of Tomorrow” na series adaptation ng Wattpad novel ni Gwy Saludes.
Sina Alden Richards at Julia Barretto ang unang napili para bumida sa Philippine adaptation ng Thai film noong 2025, bagaman hindi pa batid kung bakit nag-backout ang dalawa sa proyekto.
Nananatili ang “Pee Mak” bilang highest-grossing Thai-made film of all time matapos kumita sa box office ng kabuuang 20.9 million dollars.
