dzme1530.ph

5,690 new COVID-19 cases naitala nitong Christmas Week

Nakapagtala ang Pilipinas ng 5,690 panibagong kaso ng COVID-19 simula December 19 hanggang December 25.

Ayon sa Latest Bulletin ng Department of Health (DOH), mas mababa ito kumpara sa 7,572 cases na naiulat mula December 12 hanggang December 18.

Ang Daily Case Average sa nakalipas na linggo ay 813, mas mababa ng 25% kumpara sa 1,082 noong sinundan nitong linggo.

172 karagdagang verified COVID-19 related deaths ang naitala ng ahensya.

Samantala, 626 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naiulat kahapon, araw ng Lunes.

Ito ang ika-apat na sunod na araw na mas mababa sa isang-libo ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19.

Bunsod nito lumobo na sa 4,062,191 ang Nationwide Caseload.

Bumaba rin sa 15,472 ang Active Infections kahapon mula sa 15,937 noong linggo.

Umakyat naman sa 3,981,457 ang Total Recoveries habang pumalo na sa 65,262 ang Death Toll.

About The Author