dzme1530.ph

COMMITTEE REPORT PARA IIMPEACH SI VP SARA DUTERTE, UNANIMOUSLY APPROVED NG 55 JUSTICE PANEL MEMBERS

Loading

Alas Onse trenta y singko (11:35) pormal na nag-adjourned ang House Committee on Justice sa pagdinig sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Ito’y makaraang pagtibayain ng 55-committee members ang commitee report na nagdedeklara na may probable cause ang reklamo para magpatuloy ang trial.
 
Wala ni isa sa mga kasapi ng komite sa pamumuno ni Batangas rep. Gerville Luistro ang tumutol sareport.
 
Bago ang unanimous approval, ilang pagbabago o ammendments sa linguahe ng report ang ipinanukala nina Reps. Chel Diokno at Leila de Lima.
 
Kaakibat ng committee report ang resolusyon at Articles of impeachment na isusumite sa plenary para pagbotohan ng lahat ng kasapian ng 20th Congress.
 
Ayon kay chairperson Luistro, ang report na ito ang kanilang isusumite sa plenary para pagbotohan kung makakarating ba sa Senado ang Articles of Impeachment para sa trial o ibabasura ng mga kongresista.

About The Author