dzme1530.ph

5 patay sa sunog sa Expressway Tunnel sa South Korea

Patay ang limang katao habang sugatan ang tatlumpu’t pitong katao sa banggaan ng isang bus at truck na nagdulot ng sunog sa isang Expressway Tunnel sa Seoul, South Korea.

Ayon sa Local Fire Department, nagsalpukan ang bus at truck sa Gwacheon, bandang ala-una singkwenta ng hapon kahapon sa South Korean Time.

Lumikha ito ng sunog na mabilis na kumalat sa tunnel.

Under control na ang sunog, at isinasagawa na ang search operations.

Karamihan sa mga nasaktan ay nagtamo ng sunog sa iba’t ibang parte ng katawan, habang ang iba ay nakalanghap ng makapal na usok.

Ipinagutos na ni South Korean Interior Minister Lee Sangmin ang paggamit ng “maximum resources” para mailigtas ang iba pang biktima.

About The Author