dzme1530.ph

Claimant na magsasampa ng kaso laban sa MT Princess Empress, hindi agad makakukuha ng bayad-danyos

Makatatanggap ng mabilisang bayad-danyos mula sa may-ari ng lumubog na MT Princess Empress ang mga apektadong residente nang nagpapatuloy na oil spill sa Oriental Mindoro, kung hindi ito magsasampa ng kaso.

Ayon kay Atty. Valeriano del Rosario, abogado ng insurance company ng MT Princess Empress, sakaling makapirma na ng waiver, makapagpakita ng kinakailangang dokumento gaya ng valid IDs at matapos ang kinakailangang proseso, posible aniyang makuha na agad ng apektadong indibidwal o negosyante ang bayad sa pinsalang naidulot ng kompaniya.

Habang posibleng umabot anila ng ilang taon bago pa man matanggap ng mga claimant na magsasampa ng Civil Case laban sa kompaniya ang nais nitong kompensasyon.

About The Author