dzme1530.ph

1,298 new COVID-19 cases, naitala ng DOH mula Mar. 20-26

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,298 na bagong kaso ng Covid-19 mula Marso 20 hangang 26.

Mas mataas ito ng 11% sa daily average kumpara sa naitala noong Marso 13 hanggang 19.

Sa mga bagong kasong ito, 10 ang may malubha at kritikal na karamdaman habang nasa 60 naman ang naitalang pumanaw.

Sa kabilang dako, umaabot naman sa 285 o 14.0% ng 2,041 ICU beds ang nananatiling okupado.

Sinabi naman ng DOH na mahigit sa 78M indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa Covid-19 habang 23M indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

About The Author