dzme1530.ph

CHR, maglulunsad ng alert system para sa mga mamamahayag na nakatatanggap ng mga pagbabanta

Nakatakdang ilunsad ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang platform para sa mga journalist kung saan maaring i-report ang mga pagbabanta at pag-atake upang matiyak ang kaligtasan ng media workers sa bansa.

Ayon sa CHR, layunin ng “Alisto! Alert Mechanism” na magkaroon ng kongkretong platform kung saan maaring direktang tumugon sa mga pag-atake at pagbabanta sa mga kagawad ng media.

Sinabi ng Komisyon na ang hakbang ay salig sa kanilang commitment na ipatupad ang “Philippine Plan of Action for the Safety of Journalist” na isang roadmap na nagsusulong ng proteksyon para sa media workers, pati na sa press freedom sa bansa.

About The Author